SOCO

Big bike rider pinaulanan ng bala ng RIT, dedbol

370 Views

DEDO ang isang rider matapos pagbabarilin ng dalawang pinaniniwalaang riding-in-tandem (RIT) sa ML Quezon Avenue, Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal noong Sabado.

Nagtamo ng mga tama ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan si alyas Big Mac ng bugahan ng RIT na nakaputing kamiseta, short pants, tsinelas, habang ang isa naman ay naka pulang kamiseta, maong pants, pulang helmet at armado ng hindi nakilalang kalibre ng baril.

Bandang alas-4:30 ng umaga nakatanggap ng tawag ang Angono police station (MPS) mula sa isang residente at iniulat ang pamamaril.

Base sa imbestigasyon, walang awang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nakasakay sa Suzuki big bike (2267 QO).

Tumakas ang mga suspek patungong Binangonan, Rizal matapos ang pamamaril.