P900M shabu nasamsam sa Pampanga, Bulacan

Bernard Galang Jan 31, 2026
197 Views

NAKASAMSAM ang mga pulis sa Police Regional Office 3 (PRO3) ng P900,000 na halaga ng shabu sa apat na naarestong tulak sa Pampanga at Bulacan noong Biyernes at Sabado.

Sa Mabalacat City, Pampanga, inaresto sina alyas Popo at Tomboy sa Dau Homesite at nasamsam mula sa kanila ang 57 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P387,600.

Sa Brgy. Caypombo, Santa Maria, Bulacan, inaresto ng mga operatiba ng Santa Maria police at Bulacan Provincial Intelligence Unit sina alyas Ron at Jay noong Enero 30.

Nakumpiska sa operasyon ang 77 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P523,600 at ang marked money, ayon kay PRO-3 director P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr.

“Ang aming pangunahing layunin ay protektahan ang mamamayan. Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy, intelligence-driven at legal na mga operasyon,” pahayag ni Peñones.