Calendar
Paaralan sa Maynila inikot ng mga pulis


DUMATING si PLt. Col. June Paolo Abrazado, hepe ng Ermita Police Station 5 ng Manila Police District (MPD), sa mga paaralan upang makipag-ugnayan sa mga tauhan ng security guard ng bawat paaralan at palakasin ang mga hakbang sa kaligtasan noong Martes.
Pinaalalahanan ni Abrasado ang mga opisyal, security guards at administrator ng paaralan na manatiling mapagbantay sa pagtukoy ng mga marahas na pag-uugali ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsubaybay sa mga palatandaan ng babala, kabilang ang pag-post o pagpapakita ng mga baril, nakamamatay na armas at iba pang nakababahala na nilalaman sa mga platform ng social media.
Ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, handa ang mga pulis ipatupad ang batas sa paligid ng paaralan
Mahigit 200 eskwelahan sa lungsod ang binabantayan ng mga pulis.
Nagbigay ng direktiba si MPD Director PBGen. Arnold Santiago sa kanyang mga pulis na palakasin ang presensiya ng kapulisan sa pamamagitan ng foot patrol, mobile patrol at mga coordination at collaboration sa mga eskwelahan, mga guro at principals.
“Pinakamahalaga dito ay ang tinatawag natin na collaboration, pagtutulungan at tulad ng nasabi nila–dapat may pakialam tayo,” sabi ni Major Ines.

