Calendar
Pag-angat ng agri makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya
NANAWAGAN si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Agriculture (DA) na makipagtulungan sa Kongreso upang palakasin ang sektor ng agrikultura, binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-angat ng magsasaka at mangingisda para sa seguridad sa pagkain at pagbangon ng ekonomiya.
“Kung nasaan yung problema, kung nasaan yung sitwasyon, kung nasaan yung farmers, puntahan natin. Kaya tayo naririto. Pagtulungan natin,” ayon kay Pangilinan sa pagpupulong kasama ang mga opisyal ng DA hinggil sa panukalang badyet para sa 2026.
Ipinunto niya ang pangangailangan ng pangmatagalang pamumuhunan, modernisasyon, at mas matatag na suporta ng pamahalaan, kasabay ng panawagan ng mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura.
Binanggit niya na tinutukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agrikultura sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at idinagdag na kanyang hiniling na sertipikahang “urgent” ang panukalang batas na magbabalik sa pamahalaan ng extension services at lilikha ng Agriculture Commission II para tutukan ang mga suliranin ng agrikultura at pangisdaan.
Binigyang-diin din ni Pangilinan ang papel ng pribadong sektor sa pagpapaunlad ng agrikultura. “Underinvestment in both public and private and investment from the private sector will be fundamental because the private sector has the deeper pockets,” aniya. “Eighty percent ng GDP is private sector, 20% lang ang gobyerno. Times four ang laki ng pondo ng private sector.”
Nagbabala siya na maaaring mabigo ang pamumuhunan dahil sa burukrasya, pagkaantala, hindi kanais-nais na kalagayan para sa negosyo, at umano’y korapsyon.
“Pero kapag ang private sector hindi natin menganyo mag-invest because of bureaucracy, because of delays, because of hindi conducive to investments, because of corruption, because of whatever reasons eh hindi natin makukuha yung ganoong klaseng investments.”
Inilahad niya ang tatlong solusyon: ganap na pagpapatupad ng Sagip Saka Act upang makabili nang direkta ang pamahalaan at mga LGU mula sa magsasaka at mangingisda; pagbabalik sa pamahalaan ng extension services para mas direktang maabot ang tulong ng gobyerno sa mga magsasaka; at pagpapalakas ng mga kooperatiba upang l tayo niyan. Walang-wala tayo niyan. Kung hindi tayo kikilos, milagro ang kailangan.”

