Calendar
PAGASA minomonitor 2 LPA na posibleng maging bagyo
PATULOY na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low-pressure area (LPAs) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang unang LPA ay matatagpuan sa humigit-kumulang 1,220 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon, habang ang pangalawa ay namataan sa layong 405 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Sinabi ng mga state meteorologist, ang parehong LPA ay may maliit na posiilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 na oras.
Inaasahang maaapektuhan naman ng mga pag-ulan dulot ng habagat ang Metro Manila, Calabarzon, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro.
Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas, at kung minsan ay matinding, pag-ulan sa mga apektadong lugar.
Nitong Linggo, sinabi ng Pagasa na ang LPA ay malabong maging isang tropical cyclone.
Gayunpaman, kung mangyayari ito, tatawagin itong “Dante.”

