Calendar
Pagcor nagbabala sa nagpapanggap na lisensyadong offshore gaming websites
NAGBABALA ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) laban sa mga iligal na offshore gaming website na nagpapanggap na lisensyado o aprubado ng ahensya.
Ayon sa PAGCOR, ginagamit ng mga naturang website ang logo ng ahensya at naglalabas ng pekeng lisensya upang linlangin ang publiko.
Kabilang sa mga site na pinangalanan ng PAGCOR ang efesbetcasino514.com, OG7777 online gaming (og7777.org), mpo500.com, qq88.com, mpo2121.com, lgolive.com, napolibet.com, KRATOSBET LTD (kratosbet.com), mpossport.com, at https://efsanebahis434.com. Isa pang pekeng site, ang https://cazeus2.com/en/responsible-gaming, ay natukoy na nakabase sa United Kingdom.
“These platforms are not authorized to operate under any PAGCOR-issued license,” ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco. “We want to make it very clear that the use of PAGCOR’s name and logo by these sites is a blatant disrespect to the agency and poses a threat to the public.”
Dagdag pa niya, kailangang maging mapanuri ang publiko at tiyaking lehitimo ang anumang gaming site bago lumahok.
“We urge everyone to remain vigilant and to always verify the legitimacy of any gaming site before engaging in it,” ani G. Tengco.
Muling iginiit ng PAGCOR na noon pang Disyembre 31, 2024, ay ipinagbabawal na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs). Ang mga dating licensee at service provider na patuloy na nag-ooperate ay itinuturing nang iligal.
“Any entity claiming to operate under a PAGCOR license for offshore gaming is clearly violating the law and should be reported immediately,” ayon sa PAGCOR chief.
Pinayuhan ng ahensya ang publiko na bisitahin ang kanilang opisyal na website na www.pagcor.ph upang makasiguro kung lisensyado ang isang gaming operator at para sa iba pang lehitimong impormasyon kaugnay ng online gaming.

