Rep. Magsino

Pagkalinga ng Unang Ginang sa mga OFWs sa Riyadh pinapurihan ni Magsino

Mar Rodriguez Jul 23, 2025
431 Views

Rep. Magsino
Rep. Magsino
Rep. Magsino
PINAPURIHAN ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil sa ipinakita nitong pagkalinga at pagmamalsakit para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sinabi ni Magsino na bagama’t ikinalulungkot nito na mawawalan ng boses ang mga OFWs ngayong 20th Congress matapos itong mabigong makakuha ng puwesto sa Kamara de Representantes kaugnay sa nakalipas na 2025 mid-term elections.

Gayunman, nagagalak pa rin ang dating kongresista sapagkat nakikita nito na hindi naman pinababayaan ng pamahalaan ang mga OFWs at iba pang Pilipino sa ibang bansa matapos ang ginawang pagbisita ng Unang Ginang sa sa Bahay Kalinga Shelters 1 at 2.

Ang Bahay Kalinga 1 at 2 ang pansamantalang tinutuluyan ng libo-libong OFWs at iba pang Pilipinong manggagawa na pinangangasiwaan ng Migrant Workers Office sa Riyadhsa gitna ng simuklab na digmaan sa pagitan ng Israel at Iran.

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Magsino para kay FL Liza Araneta-Marcos dahil sa ipinakita nitong malasakit para sa mga OFWs kasama na ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at ang mga ahensiya ng pamahalaan.

“Hindi man tayo makakaupo ngayong 20th Congress subalit natutuwa parin tayo na kahit ganito ang nangyari. Nakikita naman natin na todo effort ang ating pamahalaan para matulungan ang ating mga kababayang OFWs,” wika ni Magsino.

Nauna rito, kasamang bumisita ng Unang Ginang sa Riyadh, Saudi Arabia ang mga senior officials ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, pinangunahan ng OFW Party List ang pamamahagi nito ng ayuda para sa 161 beneficiaries sa Bulacan sa pamamagitan ng TUPAD – Tulong Eskuwela Program sa tulong naman ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ipinaliwanag ni Magsino na bagama’t hindi siya kabilang sa hanay ng mga kongresista ng 20th Congress. Subalit hindi naman aniya ito hadlang para ihinto ang kaniyang pagtulong sa libo-libong mamamayan na nangangailangan ng tulong.

To God be the Glory