Batangas

Pagtatapos ng 32nd NCPW idinaos sa Batangas

108 Views

Batangas1

LUNGSOD ng Batangas—Idinaos ang pagtatapos ng 32nd National Crime Prevention Week (NCPW) sa Batangas City Sports Coliseum katuwang ang National Police Commision at Police Regional Office 4A (PRO 4A) noong Martes.

Pinangunahan ni Batangas police director PCol. Oliver Ebora ang aktibidad na naglalayong patatagin ang kampanya laban sa krimen sa buong lalawigan.

Nagsilbing guest of honor si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na kinatawan ni Arcadio Ronquillo Jr., PPOSD head.

Dumalo rin sina NAPOLCOM Commissioner Beatrice Aurora Vega-Cancio, Executive Director Arlene L. Castro-Co at NAPOLCOM 4A Regional Director Atty. Owen De Luna.

Nakiisa rin ang mga alkalde ng bayan, PRO 4A personnel sa pangunguna ni PCol. Ivy Mallo, DILG representatives, mga hepe ng pulisya at daan-daang estudyante ng Criminology.