Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Provincial
MWP dinampot sa Batangas sa 44 bilang ng qualified theft
Jojo Cesar Magsombol
Sep 24, 2026
114
Views

KAMPO HENERAL MALVAR–Timbog noong Martes provincial-level Most Wanted Person sa Brgy. Poblacion 1, Bauan, Batangas dahil sa qualified theft.
Kinilala ang suspek na si alyas Cesiah, 32.
Isinagawa operasyon bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 8, Batangas City.
Patong-patong na kaso ang haharapin ng akusado dahil sinasabing may kinalaman ito sa 44 na bilang ng kasong qualified theft, na may piyansang P1,570,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pinangunahan ni PCol. Oliver Ebora ang operasyon katuwang ang mga awtoridad ng Bauan 403rd RMFB4A at 2nd BPMFC.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa piitang bayan ng Bauan.
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026

