Rizal

2 most wanted dinampot, nakapiit

109 Views

Rizal1Rizal2

RODRIGUEZ, RIZAL — Sablay ang pagtatago noong Lunes ng dalawang kilalang “Most Wanted Person” sa rehiyon matapos maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si alyas Jhon-Jhon, nang isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa loob mismo ng Rodriguez Municipal Jail Male Dormitory sa Brgy. San Jose para sa kasong murder.

Walang piyansang inirekomenda si Presiding Judge Maria Beatrice Alvarez Caunan, ng Regional Trial Court o RTC Branch 75, San Mateo, Rizal.

Bagamat nasa loob na ng pasilidad mula pa noong Pebrero 5 dahil sa ibang kaso ang R.A. 9165 at R.A. 10591, pormal ding isinampa sa kanya ang kasong pagpatay habang binabasa ang kanyang mga karapatang konstitusyonal.

Samantala, nasakote rin ang suspek na si alyas Jayson ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, sa mga kasong New Anti-Carnapping Act na walang piyansa, at robbery, na may piyansang P100,000 dakong alas-10:30 ng umaga sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose.

Ang mga warrant ay inisyu ni Presiding Judge Maribeth S. Rodriguez Manahan, ng RTC Branch 175, ng San Mateo, Rizal.

Ang mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga kapulisan habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa korte.