Calendar
PAL flight pa-Osaka nagkaproblema, bumalik sa Maynila
KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang flight PAL 412 ng Philippine Airlines, patungong Osaka, Japan, ay bumalik sa Maynila Miyerkules, Setyembre 3, 2025.
Umalis ang eroplano mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 9:26 a.m. at ligtas na nakabalik sa paliparan ng 11:15 a.m.
Ayon sa paunang ulat, nagkaroon ng problema sa cabin pressurization habang nasa himpapawid.
Bilang pag-iingat, bumaba ang eroplano sa mas mababang altitude at nagdeklara ng emergency, alinsunod sa mga standard na protocol sa kaligtasan.
Ligtas na nakalapag ang eroplano sa NAIA bandang 11:20 a.m. at walang nasaktan sa 191 pasahero at 8 crew members.
Nagbigay ang Philippine Airlines ng tulong sa mga pasahero, kabilang ang pagkain, tulong sa bagahe, at rebooking ng kanilang biyahe.
Patuloy pang hinihintay ng CAAP ang opisyal na ulat kaugnay ng insidente.
Tiniyak ng PAL na ang kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang pangunahing prayoridad.

