Calendar
Pamamahagi ng murang bigas sa Zambales tuloy
TULOY ang pamamahagi ng murang bigas sa ilalim ng Rice Subsidy Program ni Zambales Rep. Doris “Nanay Bing Maniquiz sa kabila ng pabugsu-bugsong ulan at masamang panahon.
Sumakay sa bangka ang mga staff at volunteers ng Kalingang Nanay Bing (KNB) upang marating ang Brgy. Magalawa kung saan naghihintay ang mga residente na makabili ng bigas sa halagang P20 kada kilo.
Ayon sa grupo, layunin nilang matiyak na walang komunidad sa ikalawang distrito ng Zambales ang maiiwan sa programang nagbibigay ng abot-kayang bigas sa mga pamilya.
Nagpasalamat ang kampo ng kongresista sa dedikasyon ng kanilang mga staff at volunteers na nagsakripisyo upang maihatid ang serbisyo sa mga residente sa kabila ng hindi magandang kondisyon ng panahon.
Iginiit ng grupo na patuloy nilang gagawin ang lahat ng paraan upang maabot ang mga komunidad na nangangailangan ng tulong.
Patuloy na isinasagawa ang Rice Subsidy Program sa iba’t-ibang barangay sa ikalawang distrito ng Zambales bilang bahagi ng programang naglalayong makapagbigay ng murang bigas sa mga benepisyaryo.

