Beep

Pamamahagi ng student beep cards na may 50% discount sisimulang sa Sept.

Zaida Delos Reyes Aug 13, 2025
286 Views

SISIMULAN ngayon Setyembre ang pamamahagi ng personalized beep cards na may automatic 50% discount para sa mga estudyante.

Ayon sa Department of Transportation o DOTR, maari nang makakuha ng student beep card sa alinmang istasyon ng MRT-3, LRT-1, at LRT-2 sa mismong araw ng pag-apply. Kailangan lamang ipakita ang student ID, at agad na ipi-print ang card.

Ang mga white beep cards ay valid ng isang taon at maaaring i-renew bawat school year.

Layunin nitong gawing mas mabilis at maginhawa ang biyahe ng mga estudyante, ayon sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasalukuyan ding may 50% discount sa pamasahe ang mga senior citizen at PWDs gamit ang parehong white beep cards.

Kaugnay nito, maglalabas din ang DOTR ng 300,000 regular beep cards sa susunod na linggo upang tugunan ang kakulangan ng stored-value cards.