Calendar
Valeriano inudyukan ang BIR na kasuhan ng tax evasion ang mga illegal online gambling operators
INUUDYUKAN ni Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tugisin at ipasara ang mga illegal na online gambling kasabay nito ang pagsasampa ng tax evasion laban sa mga operators nito.
Sinabi ng Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na hindi siya natitinag sa kaniyang krusada para isulong ang total ban ng online gambling kasunod ng naging pahayag ni President Bongbong Marcos, Jr. tungkol sa naturang isyu.
Ipinahayag ni Valeriano na nananatiling suspendido ang operasyon ng E-sabong batay sa inilabas na Executive Order (EO) No. 9 noong Disyembre 28, 2022. Subalit ang EO No. 9 ay hindi aniya isang batas kaya hindi nito saklaw ang total ban ng online gambling.
Ayon pa kay Valeriano, ang kasalukuyang estraktura ng online gambling o inline betting ay nakapaloob lamang sa regulatory administrative issuances na inilabas naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Idinagdag pa ng kongresista na ito rin ang dahilan kung bakit marami sa kaniyang mga kasamahan sa Kamara de Representantes ang naghain ng kani-kanilang panukalang batas para sa total ban ng online gambling bunsod ng mga “legal constraint”.
Ipinaliwanag ni Valeriano na bagama’t maituturing na isang malaking kawalan ang tinatayang P50 bilyong mawawala sa kaban ng pamahalaan sa pamamagitan ng revenues. Subalit mayroon naman ibang pamamaraan para makabawi ang gobyerno.
“I emphasize that nearly all curent laws on gambling are for onsite venue-based gambling not online gambling. I further note that recent tax laws and regulations on online businesses cover all online businesses including online gambling,” wika ni Valeriano.

