PCG

Pang-unawa ng mga Fil-Am sa kasaysayan ng PH pinalalim ng PCG-San Francisco

130 Views

PCG1PCG2

SAN FRANCISCO — Bumisita ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa San Francisco sa mga batang Filipino-American mula sa FEC Galing Bata Program na ginanap sa Philippine Center.

Layunin ng pagbisita na magbigay ng karanasan sa edukasyon upang mapalalim ang pang unawa ng mga kabataan sa kasaysayan, sining at mga tradisyon ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng natatanging aktibidad, ginalugad ng mga kalahok ang iba’t-ibang eksibit at direktang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng konsulado.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng pagkakataong matuto ukol sa tradisyonal na sining at ang kahalagahan ng pangangalaga sa pamanang Pilipino.

Ayon sa Konsulado, mahalaga ang mga ganitong programa upang palakasin ang koneksyon at kamalayan ng mga susunod na henerasyon sa kanilang pinagmulan at kulturang kinabibilangan.