Calendar
Pangako ni PBBM ukol sa tamang paggamit sa pondo ng bayan pinapurihan ni Oducado
PINAPURIHAN ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nats” M. Oducado ang pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos nitong tiyakin na ang bawat sentimo sa kaban ng pamahalaan ay mapupunta sa mga programang lubos na pakikinabangan ng taongbayan.
Dahil dito, sinabi ni Oducado na ang naging pahayag ni Pangulong Marcos, Jr. ay nangangahulugan at nagpapahiwatig lamang na seryoso ang pamahalaan na tugunan ang sentimyento ng taongbayan ukol sa laganap na korapsiyon.
Ayon sa kongresista, sinasalamin din nito na sinsero si Pangulong Marcos, Jr. na wakasan ang mainit na usapin sa korapsiyon sa pamamagitan ng pagtitiyak sa mamamayang Pilipino na ang bawat sentimo sa panukalanh 2026 national budget ay mapupunta sa mga priority programs.
Sinasang-ayunan din ni Oducado ang paglilipat ng P255.5 bilyon pisong pondo mula sa mga flood control projects patungo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga priority programs ng ahensiya.
Ipinaliwanag pa ni Oducado na napakahalaga na makita ng taongbayan na kumikilos ang gobyerno para matugunan ang problema ng katiwalian dahil pera ng mamamayang Pilipino ang pinanggagalingan ng national budget.

