Calendar
Pangasinan giniba ang Paran̈aque
BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Pangasinan Heatwaves bago pinabagsak ang Paran̈aque Patriots, 135-76, sa pagpapatuloy ng aksyon sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Lahat ng 13 players na naglaro ay umiskor ng three points or more para sa Pangasinan, na lumamang pa ng 133-70 bago iposte ang kanilang
Ika-limang dikit na panalo at 15-6 overall sa round-robin elimination phase ng 30-team tournament, na itinataguyod ni boxing legend Manny Pacquiao.
Nagpasikat si Joshua Fontanilla sa kanyang 25 points, 7 rebounds at 6 assists para sa Pangasinan, na tumabla sa reigning back-to-back champion Pampanga para sa fourth spot sa North Division, sa likod ng Nueva Ecija, Abra at San Juan, na may 20-1 win-loss slates.
Nakatulong niya sina Michael DiGregorio, na may 20 points, 8 rebounds at 2 assists; Ally Bulanadi, na may 15 points at 2 rebounds; JP Maguilano, na may 14 points, 8 rebounds at 4 assists;at Michael Mabulac, na may 13 points, 13 rebounds at 6 assists.
Nanguna para sa Paran̈aque, na bumaba sa league-worst 1-20 record, sina Shaquile Alanes (18 points, 5 rebounds, 4 assists); Wilson Baltazar (15 points) at Kris Torrado at Justine Padua (12 points each).
Magpapatuloy ang MPBL sa Ynares Center sa Montalban, na kung saan maghaharap ang Bulacan at Imus sa 4 p.m., Davao at San Juan sa 6 p.m., at host Rizal Xentromall at Ilagan Isabela sa 8 p.m.
Si PBA legend Kenneth Duremdes ang tumatayong MPBL commissioner.

