Calendar
Paninindigan para sa seniors iginiit ng mambabatas
IGINIIT ni United Senior Citizens Party List Rep. Mila Aquino-Magsaysay ang paninindigan na maisulong ang “Universal Social Pension” para sa lahat ng senior citizens.
Ang pagsusulong ng universal social pension ay hindi lamang usapin ng pagbibigay ng pensyon, kundi bahagi ng pagtiyak sa dignidad, seguridad at karapatan ng mga nakatatanda.
Dapat magkaroon ng sapat na suporta ang bawat lolo at lola upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at magkaroon ng mas ligtas at marangal na pamumuhay.
“Hindi lang ito tungkol sa pension. Ito ay tungkol sa dignidad, seguridad, at karapatan ng bawat lola at lolo,” pahayag ni Aquino-Magsaysay.
Bilang chairman ng House Committee on Senior Citizens, patuloy niyang isinusulong ang mga hakbang at polisiya na nakatuon sa kapakanan, proteksyon at mga benepisyo ng mga nakatatanda.
Para kay Aquino-Magsaysay, walang senior citizen ang dapat mapag-iwanan at ang pagkakaroon ng sapat na social protection ay mahalagang bahagi ng pagkilala sa kanilang ambag sa pamilya at lipunan.
