AGAP1 Naglabas ng pahayag si AGAP partylist Nicanor Briones,matapos itong masangkot sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.

Paratang ni Discaya walang batayan — Briones

202 Views

NAGLABAS ng pahayag si AGAP partylist Nicanor Briones nang masangkot sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.

Ayon kay Curlee Discaya, isa sa may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp, may mga opisyal umano mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lumapit sa kanila para kunin ang parte sa proyekto.

Ayon kay Discaya, ang hinihingi nilang porsyento hindi bababa sa 10% at umaabot pa sa 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kontrata.

Sa pahayag ni Cong. Briones nitong Lunes, Setyembre 8, mariin niyang pinabulanan ang mga alegasyong isiniwalat ng mag-asawang Discaya sa ginanap na Senate hearing nitong Lunes.

“Mariin ko pong itinatanggi ang mga walang batayang paratang ng mga Discaya laban sa akin sa ginawang Senate hearing nitong Lunes ng umaga. Hindi ko po alam kung ano ang motibo sa pagdawit sa pangalan ng inyong lingkod,” wika ni Cong. Briones.

“Nakikipag-ugnayan na tayo sa ating abogado upang maghain ng tamang kaso laban sa mga Discaya. Hindi natin papayagan na sirain ang ating pangalan at pagkatao na matagal nating iniingatan,” dagdag pa ni Briones…