Calendar
Valeriano pinapurihan si Sec. Dizon dahil sa flood control master plan
PINAPURIHAN ng Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano ang naging pahayag ng bagong talagang pinuno ng Department of Public Works and Highways na si Secretary Vince Dizon na ilalatag na nito ang masterplan para sa flood control.
Ayon kay Valeriano, dahil sa naging pahayag ni Dizon sa isinagawang budget hearing ng Kamara de Representantes para sa 2026 proposed national budget ng DPWH. Ipinakita lamang ng Kalihim ang determinasyon at sinserridad nito na tuluyan ng wakasan ang problema ng mga pagbaha hindi lamang sa National Capitol Region (NCR) bagkos sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Valeriano na binanggit din nito kay Sec. Dizon ang sitwasyon ng mga pumping station facilities kung saan ninanakaw ang mga piyesa nito na maaaring makaapekto sa operasyon ng nasabing paspasilidad.
Dagdag pa ng kongresista na inihayag ni Dizon sa ginanap na budget hearing ang paglalaan ng pondo para sa flood control masterplan na manggagaling sa Asian Development Bank (ADB) na inaasahang ta-trabahuhin nito para maisakatuparan.
Tiniyak ni Dizon na sisikapin naman ng DPWH na maisagawa ang paglilinis sa mga waterways at esteros sa Metro Manila na nakakaapekto sa napakaraming residente.

