Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Tulong

Party list congressman nagpasalamat kay Speaker Dy

Mar Rodriguez Nov 6, 2025
274 Views

PINASALAMATAN ni 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel Oducado si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa pagtitiyak niya na tututukan ng Kamara de Representantes ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Tino.

Sinabi ni Oducado na patuloy itong nananalangin para sa mga Pilipinong nabiktima ng bagyong Tino sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Oducado, nakikipag-ugnayan na silang mga kongresista sa mga lugar na sinalanta ng “super typhoon” upang mabilis na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, damit, tubig na inumin at iba pa.

Pinuri ng kongresista ang pahayag ni Speaker Dy na nananatiling handa ang Mababang Kapulungan na maglaan ng pondo para suportahan ang mga programang magpapabilis sa rehabilitasyon, pagbangon at pagpapanumbalik ng mga nasirang pasilidad sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Namigay si Oducado ng libreng almusal sa ilalim ng kanyang programa na “PandeCaldo ni Oducado” Feeding Program.