Poe

Party list rep natuwa sa direktiba ng ERC

Mar Rodriguez Aug 7, 2026
57 Views

NATUWA si FPJ Panday Bayanihan Party List Rep. Brian Poe sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-refund ng Meralco ang nasa P9.5 bilyon na umano’y sobrang nakolekta sa mga konsyumer sa nakalipas na anim na buwan.

Ang hakbang ng ERC ay tugon sa kanyang inihaing House Resolution No. 1126 na naglalayong mapabilis ang pagbabalik ng overcollections ng Meralco sa mga consumer.

Una umanong iminungkahi ng Meralco na isauli ang mahigit P9 bilyon sa loob ng 36 na buwan.

Masyadong mahaba ang tatlong taong paghihintay para sa perang hindi naman sana nakolekta mula sa mga konsyumer.

Ipinaliwanag ni Poe na ipinakikita ng aksyon ng ERC na kapag mabilis ang pagtugon ng mga ahensya ng pamahalaan, direktang napakikinabangan ito ng milyun-milyong pamilyang Pilipino.

iginigiit ni Poe na hindi nagtatapos sa pag-apruba ng refund ang usapin.

“Karapatan ng bawat Pilipinong konsyumer na matanggap ang bawat pisong nararapat sa kanila,” dagdag pa ng mambabatas.