Magsino

US may bagong sugo sa PH; ex-partylist rep natuwa

Mar Rodriguez Aug 7, 2026
126 Views

IKINAGALAK ni dating OFW Partylist Rep. Marissa Magsino ang pagkakatalaga kay Lee Lipton bilang bagong ambassador ng US sa Pilipinas.

Optimistiko si Magsino na magbibigay ng positibong resulta ang appointment ni Lipton sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpapatibay at pagpapaunlad sa magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Naniniwala rin si Magsino na malaki ang maitutulong ni Ambassador Lipton para matulungan ang mga Pilipinong nagnanais magtungo sa Amerika para mabisita ang kanilang mga mahal sa buhay.

Dinaluhan ni Magsino ang welcome reception para kay Lipton bilang pagpapakita ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Naging pagkakataon ang pagtitipon upang higit pang mapalalim ang kooperasyon at pagtutulungan ng dalawang bansa sa diplomasya, kalakalan, seguridad at iba pang usapin.

Ipinakita rin ng naturang pagtitipon ang patuloy na pangako ng Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang kanilang bilateral relations.