BBM2

PBBM itinulak promosyon ng sining, kultura

222 Views

ITINULAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas malawak na promosyon ng sining at kultura sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa ika-53 anibersaryo ng Cultural Center of the Philippines (CCP), hinimok ng Pangulo ang CCP at ang sektor sektor ng edukasyon na ipakilala sa mga bata ang kultura upang maging inspirasyon sa batang artist.

“Let us all support our people’s interest in culture and the arts through scholarships and grants and enhancement training. Let us empower as they join the center of world-class Filipino artists in the fields of music, voice, dance, theater, and written and visual arts,” sabi ni Marcos sa ipinadala nitong mensahe.

Sinabi ni Marcos na dapat madala ang creative industry sa pinakamalungkot barangay ng bansa.

Tiniyak ng Pangulo na handa ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Trade and Industry (DTI) na tumulong upang mangyari ito.

Gaya ng kanyang ama at ina, sinabi ng Pangulo na sinusuportahan nito ang pagpapa-unlad ng sining at kultura.

Ang CCP ay itinayo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.