BBM

PBBM nagbigay ng P88.5M payout sa 4,426 graduating students ng Maynila

Edd Reyes Jun 3, 2026
51 Views

PINURI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang patuloy na pagtulong ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mamamayan ng lungsod nang personal na ipamahagi ang P20,000 sa 4,426 na mga iskolar na magtatapos ng kolehiyo mula sa anim na distrito ng lungsod Miyerkules ng umaga sa Rizal Memorial Stadium,

“Tayo ngayon ay nagkikita-kita at nagkakasama-sama, dala ng panibagong tulong ng Office of the President through the leadership of President Bongbong Marcos,” pahayag ni Mayor Domagoso.

Ibinida rin ng alkalde sa Pangulo na ang second tranche ng programang “Biyayang Bigas para sa Maynila” ay naipadala na sa lahat, lalo na sa mga manggagawang nasa loob ng lungsod.

Sinabi ng alkalde na ang mga benepisyaryong iskolar sa 896 barangay mula sa anim na distrito ng lungsod ay tatanggap ng tig-P20,000 na magdadala sa kabuuang payout na P88,520,000 para matiyak na makatatapos ng kolehiyo ang mga estudyante.

Sinabi naman ng Pangulong Marcos na ang scholarship program na “Bawat Bayan ay Makikinabang” ay nakalaan sa mga estudyanteng nanganganib na hindi makapagtapos dahil sa kakulangan ng pantustos sap ag-aaral.

“Sabi namin, mamili kayo sa bawat barangay ng limang estudyante na bibigyan natin ng tulong. Ang piliin ninyo ay yung mga magtatapos na, pero baka hindi makatapos dahil kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho, o kung ano man ang dahilan,” paliwanag ng Pangulo.