BBM2

PBBM nilagdaan EO 94 na bumubuo ng ICI

433 Views

DocsDocs1Docs2NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 94 na bumubuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) — isang special fact-finding body na tututok sa 10 taon ng iregularidad sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno.

Layunin ng komisyon na hukayin ang lahat ng “nakalubog sa baha” na anomalya — mula sa ghost projects, overpriced kontrata, hanggang sa nawawalang pondo.

May kapangyarihan itong mag-imbestiga, maglabas ng subpoena, magyaya ng mga saksi, at magrekomenda ng kaso laban sa mga opisyal at kontraktor na mapapatunayang sangkot.

Ayon sa EO, puwede ring irekomenda ng ICI ang preventive suspension, hold departure orders, asset freeze, at iba pang hakbang para hindi makalusot ang mga tiwaling opisyal.

Lahat ng ahensya tulad ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Ombudsman, DPWH, Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ay inatasang makipagtulungan.

Kamakailan, bumulusok ang usapin matapos pumutok ang alegasyon ng “missing” at substandard flood control projects sa DPWH, dahilan para magbitiw si dating Secretary Manuel Bonoan at maupo si Vince Dizon bilang bagong kalihim.