Calendar
Source: File photo
PBBM pinirmahan batas na aakit ng mas maraming foreign investors
PIRMADO na ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na naglalayong maka-attract ng maraming foreign investors sa pamamagitan ng page-extend ng long-term lease contracts sa bansa ng mga dayuhan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12252, pwede nang i-lease hanggang 99 taon imbes na 50 taon ang mga private lands ng foreign investors at i-extend din ang long-term lease contracts para sa industrial estates, factories, agro-industrial ventures, tourism, agriculture, agroforestry at ecological conservation.
Inamyendahan ng RA 12252 ang RA 7652 o ang Investors’ Lease Act.
Pwede ding i-extend ng isang beses para sa panibagong 25-year lease life ang mga nabanggit na properties.
Sa ilalim ng batas na ito, dapat ipa-register ng lahat ng foreign investors ang investments nila sa ilalim ng Republic Act No. 7042, or the Foreign Investments Act of 1991 pati na sa local Registry of Deeds.
Sa ilalim ng batas na ito, dinagdagan ang penalties sa mga violators mula P100,000 sa P1 million at pwede pang makulong ng hanggang anim na buwan.

