Calendar
PCG iniulat pagkuha ng mangingisda ng ‘rocket debris’ sa Sulu
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakabawi ng isang pinaghihinalaang debris ng roket na natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Suang Bunah, Pangutaran, Sulu noong Enero 1, 2026.
Ayon sa Pangutaran Municipal Police Station, isang mangingisda ang nakabawi at humila ng nasabing pinaghihinalaang debris ng roket noong Disyembre 30, 2025.
“Ang nabawing debris ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Barangay Suang Bunah,” pahayag ng Coast Guard Sub-Station Pangutaran.
Sa oras ng paglalathala, nakikipag-ugnayan ang Coast Guard Station Western Sulu sa kinauukulang barangay para sa posibleng paglipat ng kustodiya ng nabawing debris sa PCG para sa tamang paghawak at disposisyon.
Muling pinaaalalahanan ng PCG ang publiko na manatiling mapagmatyag at iulat ang anumang hindi pangkaraniwang bagay na makikita sa dagat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
