Calendar
PH sovereignty inaatake ng China sanctions–Sen. Pangilinan
HINIMOK ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Foreign Affairs na maghain ng protesta laban sa sanctions ng China kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. at sa kanyang pamilya, na pag-atake sa soberanya ng Pilipinas at sa constitutional order ng bansa.
Nag-anunsyo ang China ng sanctions laban kay Teodoro at sa mga miyembro ng kanyang pamilya, kabilang ang pagbabawal sa kanila na makapasok sa mainland China, Hong Kong at Macao, at ang pagbabawal sa mga organisasyon at indibidwal sa China na makipagtransaksyon, makipagtulungan o magsagawa ng iba pang aktibidad sa kanila dahil sa mga pahayag ni Teodoro laban sa China.
Bilang opisyal ng gabinete at alter ego ng Pangulo sa depensa at seguridad, ipinapahayag at ipinatupad ni Teodoro ang pambansang polisiya.
“Punishing him and his family for doing so is a direct affront not only to him, but to the President, the Philippine state, and our constitutional order,” ani Pangilinan.
Iginiit ni Pangilinan na tumutugon ang Pilipinas sa mga paulit-ulit na provocation sa pamamagitan ng diplomasya, pagpigil sa tensyon, at pagsunod sa rule of law, kabilang ang paghawak sa 2016 arbitral award.
“By sanctioning a sitting Cabinet member for defending an arbitral ruling and asserting rights guaranteed under international law, China diminishes its own standing in the community of nations,” ani Pangilinan.
Lalo lamang palalakasin ng ganitong mga hakbang ang paninindigan ng mga demokrasya “to stand together against coercion.”
Binalikan din ni Pangilinan ang nangyari noong Abril 2023, nang i-blacklist ng China ang Council of Asian Liberals and Democrats, isang regional network na pinamumunuan niya noon.
Dapat ding tingnan ang isyu habang papalapit ang ika-10 anibersaryo ng 2016 arbitral award sa July 12.

