Calendar
Physical test iniutos sa mga pulis-Batangas


CAMP MALVAR, Batangas–Isinagawa noong Huwebes ng Batangas Police Provincial Office ang Physical Fitness Test para sa mga pulis na isinilang sa Agosto at Setyembre.
Ang naturang aktibidad ay ginanap sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora, acting director ng Batangas police.
Pinangasiwaan ang ebalwasyon ng Human Resource Doctrine Development Section ng Batangas PPO.
Naging katuwang sa aktibidad ang Regional Education and Training Division, Regional Medical and Dental Unit 4A, Regional Special Training Unit 4A at ang Batangas Medical and Dental Team.
Ang buwanang pisikal na test ay isang regular na programa ng Philippine National Police.
Layunin nitong tiyakin na ang bawat pulis ay nananatiling malusog at handa sa anumang hamon ng operasyon, habang nagtataguyod ng disiplina at wastong pangangalaga sa sarili sa gitna ng serbisyo.

