Lacson1

Ping magbibitiw bilang Blue Ribbon Committee Chairman

325 Views

IPINAHAYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na siya ay magbibitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee matapos ipahayag ng ilang kasamahan sa Senado ang pagkadismaya sa paghawak ng imbestigasyon sa mga umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Sa kanyang opisyal na pahayag nitong Linggo, sinabi ni Lacson na bilang chairman ng komite na halal ng kapwa senador, nararapat lamang na lisanin niya ang puwesto upang bigyang-daan ang sinumang miyembro na mas nais ng mayorya.

“Since all chairpersons of the Senate committees are elected by our peers, I serve at the pleasure of my colleagues, particularly the members of the majority. Rightly or wrongly, when quite a number of them have expressed disappointment over how I’m handling the flood control project anomalies, I thought it’s time for me to step aside in favor of another member who they think can handle the committee better,” ani Lacson.

Dagdag pa niya, “No amount of criticisms from misinformed netizens and partisan sectors can distract or pressure me from doing my job right, but when my own peers start expressing their group or individual sentiments, maybe it is best to vacate. Nevertheless, I will continue to fight a corrupt and rotten system in the misuse and abuse of public funds as I have consistently done in the course of my long years in public service.”

Sa panayam sa DZBB, sinabi ni Lacson na inihahanda na niya ang kanyang resignation letter at posibleng ihayag ito sa plenaryo kapag muling nagbukas ang sesyon ng Senado.

Binatikos din ni Lacson ang mga “fake news” at maling naratibo na umano’y ipinakalat ng ilang grupo—kabilang ang paratang na pinupuntirya niya ang ilang senador habang pinoprotektahan ang ilang miyembro ng Kamara na umano’y sangkot sa flood control issue.

“Kung ako tatanungin, siyempre sasabihin ko maayos ang aking paghandle dangan nga lang laging may gumugulo. Di pa nagsisimula ang pagdinig, pagkatapos ng call to order, may nanggugulo.

So doon nagkakaroon ng perception na hindi maganda ang pag-handle,” pahayag ni Lacson.

Nanindigan siya na kahit bumitiw sa Blue Ribbon Committee, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang laban para sa katapatan at mabuting pamamahala.