Calendar
Pinoy Domestic Worker na hinatulan ng kamatayan sa Kuwait labis na ikinalungkot ni Oducado

IKINALULUNGKOT ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nats” M. Oducado ang kaso ng isang Filipino Domestic Worker sa Kuwait matapos itong hatulan ng kamatayan.
Dahil dito, nananawagan si Oducado sa Department of Migrant Workers (DMW) upang magpaabot ang ahensiya ng tulong para sa pamilya nh Pinoy Domestic Workers makaarang masangkot ito sa pagkamatay ng kaniyang employer na nagresulta sa hatol na kamatayan laban sa kaniya.
Bagama’t hindi pinangalanan ang Filipino DW, nagpaabot ang kongresista ng taos pusong pakikiramay para sa pamilya ng naturang Domestic Worker kung saan ipinahahag nito na batid niya ang sakit at hapdi na nararamdaman ng mga naulila dahil sa pagkawala nito.
Inihayag naman ng DMW na mula ng lumabas ang insidente ay agad na nagbigay ng legal at konsular na tulong ang ahensiya kasama na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Kuwait kung saan ay mayroong abogado ang humawak sa kaso ni Pinoy DW at ginamit ang lahat ng legal na proseso sa ilalim ng batas ng Kuwait.
Gayunman, nagpasalamat naman si Oducado sa DMW at DFA dahil sa kanilang pagsisikap para matulungan ang Filipino DW kasunod ang kaniyang pahayag na iginagalang nito ang batas ng Kuwait bagama’t may mandato ang Philippine government na ipagtanggol ang karapatan at dignidad ng bawat Pilipino.
Samantala, nakilahok naman si Oducado sa briefing at budget deliberation ng DMW. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na pondo para sa pangangalaga ng interes at proteksiyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
“Let us know that the welfare of OFWs should always be a priority in the national government,” ayon kay Oducado.

