Calendar
PRO-3 may 4 bagong abogado
CABANATUAN CITY–Nakapasa ang apat na miyembro ng Police Regional Office (PRO)-3 sa 2025 Bar exams kaya binati ni director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones noong Huwebes.
Pasado sina P/Lt. Col. Nestor L. Bulatao Jr. ng Regional Headquarters Support Unit 3; Capt. Geoffrey Enrado, ng Tarlac police provincial office; Senior Master Sergeant Dante Sakay ng Nueva Ecija police provincial office; at NUP Joseph Andrei Da Jose ng Olongapo City police office.
Sa Nueva Ecija, binati rin ni P/Col. Heryl Bruno, provincial director, si Atty. Sakay.
“Ang iyong tagumpay ay sumasalamin sa dedikasyon, tiyaga, at kahusayan, at nagdudulot ng pagmamalaki at karangalan sa buong pamilya ng NEPPO.
Hangad namin ang patuloy mong tagumpay habang naghahanda ka para sa susunod na mahalagang hakbang sa iyong propesyonal na paglalakbay,” sabi ni Bruno kay Sakay.

