Calendar
PRO 4A laging handang tumugon sa kalamidad sa Calabarzon


KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna— Tiniyak ng ang Police Regional Office (PRO) 4A sa pamumuno ni Regional director PBGEN Dominic L. Baccay ay laging handa sa mabilis na pagtugon upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa Calabarzob sa gitna ng pananalasa ng mga bagyo at habagat.
Ayon sa pamunuan ng PRO 4A, pinalakas ng kapulisan ang kanilang police visibility, traffic at crowd management, pati na rin ang agarang rescue at evacuation assistance sa mga apektadong komunidad.
Katuwang ang mga lokal na pamahalaan (LGU) at iba pang ahensya ng gobyerno, nakatutok ang kapulisan sa mabilis na pamamahagi ng tulong at pagpapanatili ng kapayapaan habang may kalamidad.
Isinasagawa ang mga hakbang na ito alinsunod sa B.E.S.T. Policing Framework (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust) upang masiguro ang ugnayan ng pulisya at ng mamamayan.

