Calendar
Provincial
Kelot sa apat na bilang ng sexual abuse, nasakote sa Batangas
Jojo Cesar Magsombol
Aug 20, 2026
175
Views


KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Nasakote nong Lunes ang isang 36-anyos na construction worker na kabilang sa Regional Most Wanted Person matapos ang walong taong pagtatago sa batas sa lungsod ng Batangas.
Ang suspek na kinilalang si alyas Larry, residente ng Barangay Santa Clara, ay naaresto matapos isagawa ang manhunt operation ng Batangas Component City Police Station.
Dala ng pulisya ang warrant of arrest para sa apat na bilang ng sexual abuse na inilabas ng Regional Trial Court Branch 1 noong 2016, kung saan bnigyan ng bail ng halagang ₱800,000.
Nakatakdang iharap sa hukuman ang suspek habang kasalukuyang nakakulong sa local police custodial facility ng lungsod.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

