Calendar
Pulong ng PVAO, opisyal ng PH Embassy sa Washington ginanap


NAKIPAGPULONG ang delegasyon ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas at Office of the Defense Attaché sa Washington, D.C. upang talakayin ang mga programang magpapabuti sa kapakanan ng mga beteranong Pilipino at Amerikano.
Pinamunuan ni ex-PVAO undersecretary Reynaldo Mapagu ang talakayan at ibinahagi niya ang mga update ukol sa Kagitingan roadmap.
Layunin ng programa na magkaloob ng mas pinahusay at madaling ma-access na serbisyong medikal para sa lahat ng retiradong sundalo sa Pilipinas.
Isinulong din sa pulong ang pag-aaral para sa bilateral na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Lilikha ito ng mas modernong imprastraktura at mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan na maghahatid ng pag-unlad sa mga naninirahan sa bansa.

