Calendar
Pumatay nahuli sa loob ng 1 araw
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Naaresto ang suspek sa pagpatay sa Plaridel, Bulacan isang araw matapos isagawa ang krimen noong Enero 3 sa Cagayan Valley Road, Brgy. Tabang, Plaridel, bulacan.
Natunton ng mga tauhan ng Plaridel police ang suspek sa isang hotel sa Cabanatuan City na humantong sa kanyang pagkakaaresto.
Nasamsam mula sa suspek ang ginamit sa pamamaril na cal .45, mga bala at sasakyang pinaniniwalaang ginamit sa pagtakas.
“Ipinapakita ng kasong ito ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng komunidad.
Kapag ang mga saksi ay lumalantad at nagtitiwala sa pulisya, mas mabilis nalulutas ang mga krimen at mas napoprotektahan ang mga buhay,” sabi ni P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., hepe ng Police Regional Office (PRO)-3
Ang matagumpay na operasyon ay sumusuporta sa focused agenda ng Philippine National Police, partikular ang Enhanced Managing Police Operations na isinusulong ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., dagdag ng hepe ng PRO-3.

