NUP Chairman Ronaldo Puno Deputy Speaker at NUP Chairman Ronaldo Puno

Puno: Paratang vs NUP walang basehan, reckless, malisyoso

172 Views

KINONDENA ni Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) Chairman Ronaldo “Ronnie” V. Puno ang pinakabagong mga post sa social media at pampublikong pahayag ni Rep. Francisco “Kiko” Barzaga na nag-aakusa sa mga miyembro ng NUP na tumanggap ng suhol, na tinawag niyang walang basehan, pabaya at malisyosong mga paratang.

Ipinahayag ni Barzaga, kabilang sa iba pa, na tumanggap umano ng suhol mula sa negosyanteng si Enrique Razon ang mga kongresista ng NUP upang suportahan si dating Speaker Martin Romualdez noong halalan ng 2025.

“The Speaker ran unopposed. There was no contest. To claim that bribes were paid in a situation where there was no contest at all defies logic,” ani Puno.
Mariin pang kinondena ni Puno ang malawakang paratang, at binigyang-diin na sa pagkakataong ito ay pinili ni Barzaga na siraan ang buong partido at hindi lamang isang indibidwal.

“He chose to malign all Members of the NUP, a party once led by his own father and one that he himself joined. To turn around and accuse the NUP of criminal conduct, without evidence, shows a reckless and deeply irresponsible contempt for the truth,” aniya.
“I will be filing cases against him,” sinabi ni Puno. “Other NUP Members who were similarly maligned will be filing their own cases as well.”

Binigyang-diin niya na ang usapin ay idadaan sa tamang legal na proseso.

“We will see him in court,” dagdag ni Puno.

Ipinahayag ng NUP na naninindigan ito para sa mga miyembro nito at gagamit ng lahat ng legal na hakbang laban sa mga paratang.

Idinagdag nito na ang mga pahayag na iniuugnay kay Barzaga ay nagtulak sa partido at mga miyembro nito na gumawa ng hakbang upang protektahan ang kanilang karapatan at reputasyon, at upang managot ang dapat managot sa pamamagitan ng angkop na legal na proseso.

Sa kasalukuyan, ang NUP ang pangalawang pinakamalaking partidong pampulitika sa House of Representatives.