Frasco

Rep. Frasco walag tigil sa pagbibigay ng ayuda, serbisyo

Mar Rodriguez Jun 14, 2024
114 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4𝗠𝗜𝗦𝗧𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗼𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 “𝗽𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴𝗮” 𝘀𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗶𝗽 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗺𝗶𝗻𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗮𝘆 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗺𝗼𝘁𝗲𝘀 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗮 𝗠𝘂𝗻𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗣𝗼𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗶𝘁𝗼.

Personal na tinungo ni Frasco ang Munisipalidad ng Poro para mamahagi ng tinatayang P3.7 milyong halaga ng tulong para sa 791 residente o benepisyaryo ng Camotes Island sa pamamagitan ng Camotes Transport Sector mula sa Munisipalidad ng Poro, San Francisco, Tudela at Pilar.

Sinabi ni Frasco na sa mga ganitong pagkakataon hindi umano niya nararamdaman ang pagod sapagkat kapag nakikita nito na maraming tao ang nakikinabang sa ipinamamagai niyang tulong ay mas lalo pa siyang ginaganahan.

Ayon kay Frasco, hindi siya nakakaramdam ng pagod. Lalo pa siyang nagpupursigi na maghatid ng de-kalidad na paglilingkod para sa kaniyang mga kababayan sa gitna ng kahirapang kanilang pinagdadaanan kabilang na ang sektor ng transportasyon sa kanilang lalawigan.

Nagbigay din ang Deputy Speaker ng P300,000 para sa Electrification Assistance mula sa kaniyang personal donation para sa mga residente ng Sitio Lantawan, Barangay Esperanza at Poro na magpa-hanggang ngayon ay wala parin maayos na supply ng kuryente.

Paliwanag ni Frasco, ang pagsusulong nito ng programa ay naglalayong maisa-ayos ang supply ng kuryente sa nasabing lugar sa tulong ng Camotes Electric Company (CELCO) na nagbibigay ng manpower at labor component.

“This program will be undertaken in coordination with the Camotes Electric Company (CELCO) who will be providing the manpower and labor component,” sabi pa ni Frasco.