Calendar
Rep. Momo: DPWH Sec tama sa paggamit ng pondo
IKINATUWA ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. ang pahayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na gagamitin ng tama ang pondo ng ahensiya sa 2026.
Sinabi ni Momo na tama lamang ang pahayag ni Dizon na gagamitin nila sa wastong pamamaraan ang P529.6 bilyong pondo ng para sa susunod na taon.
Ayon pa sa kongresista, mahalagang maipakita ng DPWH sa publiko na napupunta ang pondo ng ahensiya sa pangangailangan ng mga mamamayan kagaya ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagkumpuni ng mga tulay at iba pang mahahalagang infrastructure projects.
Ayon pa kay Momo, agad-agad maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa DPWH dulot ng kontrobersiya sa flood control projects.
Subalit ito naman ay kayang makamit sa pamamagitan ng mga hakbang para manumbalik ang dating magandang imahe ng DPWH.

