Pic

RIAS Calabarzon nagbigay parangal, Quarterly Strategy Review isinagawa

5 Views

Pic1Pic2Pic3Pic4

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna— Matagumpay na isinagawa ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) CALABARZON sa ilalim ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang Quarterly Operational and Strategy Review kasabay ng pagbibigay-parangal sa mga natatanging tanggapan at tauhan ng organisasyon.

Sa nasabing aktibidad, binigyang-diin ang mga pangunahing tagumpay, mga kinakaharap na hamon, at ang mga susunod na direksyon ng RIAS sa rehiyon.

Pinangunahan ang kaganapan ni PCol. Marcial P. Paclibon, OIC Regional Director ng RIAS Calabarzon.

Tampok sa programa ang paggawad ng pagkilala sa mga natatanging tanggapan at tauhan ng Provincial Internal Affairs Service (PIAS) bilang pagpapahalaga sa kanilang walang-sawang dedikasyon, propesyonalismo, at kahusayan sa pagtupad ng tungkulin.

Ayon sa pamunuan, ang naturang aktibidad ay nagsisilbing patunay sa patuloy na pagsusumikap ng RIAS Calabarzon na itaguyod ang mataas na antas ng pananagutan, integridad, at kahusayan sa serbisyo-pulisya sa buong rehiyon.