Hontiveros

Risa: Karahasan sa WPS tigilan

365 Views

NANAWAGAN si Senadora Risa Hontiveros sa China na “ihinto ang ginagawang pagmamalabis” matapos ang iniulat na maiulat ang banggaan sa pagitan ng mga barko ng Chinese Coast Guard at Chinese Navy naganap sa ating West Philippine Sea.

“Dahil sa gigil nilang itaboy ang mga Pilipino sa sarili nating karagatan, ang mismong mga barko nila — ang Chinese Coast Guard at Chinese Navy — ang nagkabanggaan,” pahayag ni Hontivero.

Umaasa siyang magiging aral ito sa China upang magpakita ng pagpipigil.

Batay sa ulat, naganap ang banggaan malapit sa tradisyunal na pangisdaang sakop ng Bajo de Masinloc, lugar na karaniwang binabantayan ng parehong barko ng Pilipinas at China.

Lumabas din sa mga ulat na nagsagawa ng agresibong maniobra ang mga barko ng China bago ang insidente.

Pinuri ng senadora ang Philippine Coast Guard sa pagsunod sa Safety of Life at Sea (SOLAS) convention, at binigyang-diin na sa kabila ng patuloy na pangha-harass, nag-abot pa rin sila ng tulong sa mga nasirang barko ng China.

“That embodies the true Filipino spirit of honor and integrity,” aniya.

Hinimok din niya ang pamahalaan na “support our fisherfolk to the fullest extent possible” upang matiyak ang kanilang akses sa tradisyunal na pangisdaan at mapanatili ang presensiya ng maritime law enforcement sa buong taon.

“Hinding-hindi nila maiaalis ang katotohanan na atin ang West Philippine Sea,” giit ni Hontiveros.