Romblon

Romblon solon, mayor nag-inspeksyon ng mga govt projects

Mar Rodriguez Aug 11, 2026
18 Views

NAG-inspeksyon sina Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona at Concepcion Mayor Nicon Fameronag sa iba’t-ibang proyekto sa mga barangay ng Masadya, Dalajican, San Pedro at Calabasahan sa Concepcion, Sibale Island noong Agosto 4.

Layunin ng inspeksyon na masuri ang kalagayan at progreso ng mga ipinatutupad na proyekto upang matiyak na ang mga ito ay naipapatupad ng maayos, naaayon sa pamantayan at tunay na makikinabang ang mga residente ng mga nasabing barangay.

Sinuri ng mga opisyal ang estado ng mga proyekto at tinalakay ang mga hakbang upang matiyak ang maagap na pagtatapos ng mga ito para sa kapakinabangan ng komunidad.

Ayon sa tanggapan ni Madrona, bahagi ng monitoring program ang regular na pagbisita sa mga proyekto ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na paggamit ng pondo ng bayan.