Calendar
Sotto suportado plano na i-livestream Bicam
SUPORTADO ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-livestream ang mga pagdinig ng Bicameral Conference Committee (Bicam), at sinabing siya mismo ang nagpanukala ng probisyong iyon sa kanilang joint resolution kasama ang Kamara.
“That is precisely what we have agreed with the President, and as a matter of fact, I specifically introduced that provision in our joint resolution with the House of Representatives,” ayon kay Sotto, na tumutukoy sa hakbang para mas maging bukas sa publiko ang mga deliberasyon sa budget.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na ilalivestream ang Bicam deliberations para sa 2026 national budget upang itaguyod ang transparency at accountability. Dagdag pa niya, wala nang “small committee,” at lahat ng pagbabago o insertion ay makikita kung sino ang nagpanukala.
Idinagdag din ng Pangulo na sa ngayon ay hindi niya nakikitang kailangang mag-veto sa pambansang budget dahil tugma umano ito sa mga prayoridad ng administrasyon.

