Martin

Speaker Romualdez pinuri pagbabalik ng Pinay scientist sa Leyte

Mar Rodriguez Sep 11, 2025
274 Views

Martin1Martin2PINAPURIHAN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Harvard-Trained Filipina Scientist na si Dr. Ea Kristine Clarisse Tulin-Escueta na bumalik ng Leyte para turuan ang mga kabataan sa nasabing lalawigan sa larangan ng bio-technology.

Binigyang pagkilala ni Speaker Romualdez si Escueta na produkto ng Visayas State University (VSU) na nagtapos ng post-doctoral fellowship sa Harvard Medical School kung saan si Tulin-Escueta ay magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan ng Leyte.

“Dr. Tulin-Escueta’s accomplishment highlights Filipino excellence on the world stage. Her choice to come home and mentor our youth is a powerfull act of service to the country,” wika ng House Speaker.

Si Dr. Tulin-Escueta ang kauna-unahang miyembro ng VSU faculty na nakapagtapos ng Harvard post-doctoral fellowship.

Nagsaliksik si Tulin-Escueta kaugnay ng development ng anti-glycan monoclan anti-bodies sa Beth Israel Deaconess Medical Center ng Harvard Medical School.

Ang anti-glycan monoclan anyi-bodies ay may lawak na gamit medisina, pananaliksik at bio-technology kabilang ang diagnosis at paggamot ng iba’t-ibang sakit at kanser.

Pinasalamatan din ng House Speaker si Dr. Tulin-Escueta sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa agham sa mga kabataan ng Eastern Visayas ng ito bumisita sa Office of the Speaker sa Kamara de Representantes.

Idinagdag pa ng House Speaker na: “Si Dr. Tulin-Escueta ay tunay na isang Bagong Pilipino – dalubhasa, naglilingkod sa bayan at nagbibigay inspirasyon sa ating kabataan na pangarapin ang agham at itaguyod ang kaunlaran ng bansa”.

Sinabi din ni Speaker Romualdez na ang pagbabalik ni Dr. Tulin-Escueta sa bansa ay kaakibat ng programa ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na palakasin ang research and development, pasiglahin ang STEM education at magbigay ng mas maraming insentibo para sa mga Filipino scientists sa ibang bansa na bumalik sa Pilipinas.

Kasabay nito, muling ipinaabot ni Speaker Romualdez ang matibay na suporta ng Kamara sa mga programa ng Department of Science and Technology (DOST) partikular na sa mga proyektong nagsusulong ng Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos, Jr. sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng mga lokal komunidad gamit ang agham at teknolohiya.

“The House of Representatives stands firmly behind President Marcos’s drive to invest in innovative, support future scientists and incorporate scientific excellence into our national progress. We will ensure that adequate reaources are allocated in our national budget to achieve this vision,” sabi pa ni Speaker Romualdez.