Special election isasagawa sa Cavite

213 Views

MAGSASAGAWA ng special election sa Cavite para sa nabakanteng posisyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ang special elections ay isasagawa sa Pebrero 25, 2023.

Si Remulla ay nanalo bilang kinatawan ng ikapitong distrito ng Cavite. Nabakante ang posisyon ng italaga si Remulla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Justice.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco magsisimula ang pagtanggap sa certificates of candidacy ng mga tatakbo sa Disyembre 5.