Calendar
Tagumpay OTS sa ginanap na oral exams
TAGUMPAY ang oral examinations ng Office for Transportation Security (OTS), sa pamamagitan ng Certification Jury at Accreditation Board, noong Oktubre 6 sa OTS Main Office.
Sa naturang pagsusulit, 13 aplikante ang nakatanggap ng sertipikasyon bilang Port Facility Security Officers (PFSO) at 2 Aviation Security Instructors mula sa New NAIA Infra Corp. Training Center.
Layunin ng test na tiyakin na ang mga aplikante ay may sapat na kaalaman at kasanayan upang maisakatuparan ang kanilang tungkulin sa seguridad, kabilang ang maritime at aviation security regulations, operational procedures at risk management.
Sinisiguro ng OTS Certification Jury at Accreditation Board na ang mga pinaka-kwalipikadong propesyonal lamang ang maatasan sa mahalagang tungkulin ng pagbabantay sa mga pasahero, kargamento, at kritikal na imprastruktura.
Binigyang-diin ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto Cruz na ang pagkakaroon ng sertipikadong workforce ay mahalaga upang epektibong tugunan ang mga banta sa seguridad at matiyak ang ligtas na biyahe ng publiko.
“Sa pamamagitan ng sertipikasyon ng ating mga tauhan, pinatitibay natin ang gulugod ng ating security system,” ani Cruz.

