Calendar
Tikas, bihis ng mga parak sa PRO 4A ininspeksyon


KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Ininspeksyon ang tikas at tamang bihis ng mga tauhan ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) sa ginanap na ranks inspection at PNP Personnel Accounting sa PRO 4A.
Pinangunahan ni PLt. Col. Rafael Torres, hepe ng RLRDD, ang aktibidad suot ang PNP patrol uniform at sinilip ang bawat pulis.
Unang isinailalim sa accounting ang mga tauhan para matiyak ang kanilang presensya bago sinundan ng pagsusuri sa kanilang grooming.
Ang malinis na kasuotan at maayos na panlabas na anyo ay patunay ng tunay na propesyonalismo at disiplina sa hanay, ayon sa opisyal.
Bahagi ito ng hakbang ng PRO 4A sa pamumuno ni PBGen Dominic Baccay upang maipatupad ang “Tamang Bihis” policy na sumusuporta rin sa PRO 4A B.E.S.T. Policing Framework.

