Batangas

MWP na obrero arestado sa 3 gahasa sa Batangas

127 Views

Batangas1

KAMPO HENERAL Malvar— Timbog noong Martes dahil sa salang panghahalay ng Batangas Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCOL Oliver Ebora, provincial director, ang isang Regional Level Most Wanted Person sa manhunt sa Brgy. Banga, Talisay, Batangas.

Ang akusado, si alyas Igat, 54, inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong rape sa tulong ng arrest warrant galing sa 4th Judicial Region, Rosario, Batangas.

Ipinaalam sa inarestong suspek ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon.

Nasa kustodiya ng Lobo police ang naaresto habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagbabalik ng warrant of arrest para isumite sa nag-isyu na hukuman.