Calendar
Transportation nagpulong kasama OTS
NAGING host ang Office for Transportation Security (OTS), sa pamamagitan ng Transport Security Accreditation and Training Management Service (TSATMS), sa pagtitipon ng mga institusyon sa transportasyon noong Disyembre 4.
Layunin ng pulong na pagbutihin ang paghahatid ng mga programa sa pagsasanay sa seguridad sa transportasyon.
Nagkaroon ng talakayan sa event kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na pagsusumite ng Post-Training Reports at Corrective Action Plans.
Mahalaga ang mga ito upang mabilis na matukoy ang mga kakulangan sa pagsasanay at makapagpatupad ng epektibong solusyon para sa mas mataas na kalidad ng instruksyon.
Inanunsyo ni OTS Usec. Gilbert Cruz ang direktiba para sa digitalisasyon ng mga rekord ng pagsasanay.
“Habang patuloy na lumalawak at umuunlad ang ating sektor ng transportasyon, mas tumataas din ang inaasahan sa seguridad sa mga paliparan at pantalan.
Kaya’t napakahalaga ng inyong ginagawa. Sa tulong ninyo, natitiyak natin na ang ating mga tauhan sa seguridad ay hindi lamang mahusay, kundi tunay na handa, may kasanayan, may sapat na kaalaman, at may kumpiyansa sa pagtupad ng kanilang tungkulin araw-araw,” sabi ni Cruz.
